Wed, 23 Oct 2019

#CyberREADi campaign, inilunsad ng PIA-4A

Philippine Information Agency
16 Sep 2019, 16:38 GMT+10

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Set. 16 (PIA)- Inilunsad ng Philippine Information Agency (PIA)- Region 4-A CALABARZON ang #CyberREADi Campaign noong Setyembre 11 sa CityMall, Calamba City, na dinaluhan ng mga Information Officers ng mga iba't ibang regional line agencies gayundin ng mga mamamahayag mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, at Quezon.

Sinabi ni PIA-4A Regional Director Ma. Cristina Arzadon, na ang ibig sabihin ng READi sa #cyberREADi ay Responsibility, Emphathy, Authenticity, Discernment at Integrity.

"Inilunsad ng pamahalaan ang nationwide #cyberREADi campaign noong Agosto 14, 2019 katuwang ang ASEAN na pinondohan naman sa pamamagitan ng Japan-ASEAN integration fund," sabi ni ni Dir. Arzadon

Ang programa o kampanya ay isang proyekto na ipinatutupad sa ilalim ng ASEAN-Japan Media and Information Literacy for the Youth Project. Layunin nito na isulong ang cyber wellness sa mga kabataan na bumubuo sa pinakamaraming bilang ng mga internet at social media users upang malabanan ang cybercrimes at iba pang mga negatibong bagay na kaakibat ng online spaces.

Naging bahagi ng paglunsad ng kampanya ang pagpapalabas ng mga multi-media materials tulad ng mga videos na may kinalaman sa cyberbullying, online privacy and sharing, online shopping, online gaming, online dating at online addiction.

Ang #cyberREADi ay inilunsad sa rehiyon sa pamamagitan ng 'Kapihan sa PIA' kung saan ay naging panauhing tagapagsalita sina Information Technology Officer I Fleurdelis Nadua ng Department of Information and Communications Technology; Information Technology Officer I Rey Valenzuela ng Department of Education (DepEd); at Kimberly Mayuga, Chief of Staff ng Laguna SK Federation President at Board Member Yancy Amante gayundin si Director Arzadon ng PIA-4A. (Ruel Orinday/PIA-Quezon)

More Asia News

Access More

Sign up for Uzbekistan News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!